Skip to main content

happy mother's day to all moms out there! :)

wahaha. muntik na akong hindi makapaginternet ngaung araw na to.

masarap kasi matulog. Tongue

pero shempre di naman ako papayag na matatapos ang mother's day ng di ko pinagmamalaki ang mom ko sa internet.  kahit shempre di niya naman to mababasa. hehe.

last year, dinescribe ko ata si mama. hehe. ngaun, ipopost ko na lang ung tulang gift ko sa kanya nung birthday niya (hehe. kuripot no, dinadaan ko lang sa tula ung gifts ko. Tongue*note, pati si papa, tula lang din regalo ko. haha. at di ko pa nabibigay ung regalo ko kay mama ngaun for mother's day dahil di ko pa tapos dahil crammed siya at personalized. hehe. :Tongue)

Maaring may hula na po kayo,
Kung ano ang ibibgay kong regalo. 
Katulad ng aking binigay kay papa
Ang aking mensahe sa isang tula.
*nauna kasing magbirhday si papa, e ang gift ko sa kanya tula din na ginawa kong pangdecor*
Di na po ako magpapaliguy-ligoy pa
Nais ko po kayong batiin ng isang kaarawang maligaya.
Pagkat kaligayahan ang tanging hangad ko
Sa isang kaibigan, asawa at inang katulad niyo.
Napakaswerte po  namin ng kapatid ko
Dahil ang ina namin ay kayo.
Napakasuwerte rin po ni papa
Dahil kayo ang kanyang asawa.
At sabi nga ng inyong mga kachika
Napakasuwerte nila
Pagkat kaibigan ka daw nila
“rich and famous” pa nga kumbaga.
Di ka lamang isang mabuting kaibigan, asawa at ina,
Isa ka ding mabuting tao kahit di nakikita ng iba.
Ang iyong ngiti at tawang nakakahawa,
Pinagkukunan ng iba ng sigla.
Kaya naman pag-init ng ulo ay  bawasan
Pagkat masama din yan sa iyong katawan.
Bukod sa pagdagdag ng wrinkles sa mukha.
Bibilis lamang ang iyong pagtanda. 
Natutuwa rin po pala ako sa inyong  balita
Pagdadasal ng rosaryo  inyo na pong ginagawa.
Ngunit wag muna po kayo masyadong magpakabait
Dahil hindi pa po kayo pwedeng pumunta sa langit.
Dapat ay magtagal pa kayo sa aming piling
Kayo ni papa, yan nawa’y Kanyang dinggin.
Walang dapat mauna, walang dapat mahuli
Pagkat  kawawa naman kaming inyong mga baby.
*hanggang ngaun, baby pa rin ang turing sa min ng parents ko at sa tingin ko, ganun na un for the rest of our lives. :P*
Kayo ang nag-iisang ina na sa ami’y nagluwal
Mahaba niyo pong  buhay patuloy naming pinagdarasal.
Manatiling matatag sa lahat ng oras,
Sa lahat ng pagsubok, di tayo aatras.
*my mom is a breast cancer survivor and i am sooo proud of her =)*
Ano pa nga ba mga katangian na aking kinatuwa
Sa loob ng labing walong taon sayo’y aking  nakita?
Ang sa tingin kong sa lahat ay pinakamahalaga,

Ang iyong walang hanggang pagmamahal sa ating pamilya

Ang inyong pagmamahal sa amin, aking lubusang nadama
At nais kong ibalik sa inyo ni papa.
Ganun din ang aking nakita sa’yo kina lolo at lola nung sila ay buhay pa.
Wag na po kayong  mag-alala, sila’y masaya na.
*asa heaven na sila lolo at lola*

Ang inyong pagbibigay ng sobra sobra
Ito ay aking laging nakikita
At hindi ko pinagwawalang bahala
Maraming salamat para sa lahat ng ito, mama. 
Ang  inyong pagiging iyakin
Na aking namana mandin. *so true!*
Ngunit di naman nito ibig sabihin na tayo’y mahina
Nawa’y ito po’y alam niyo sa tuwina.
Ang inyo pong pagkatakot sa araw, *namana ko din kay mama. haha.*
Nang ang pekas ay di madagdagan daw.
Ang inyong pagsisipag maglinis
Na isa ding  magandang gawaing pagpapawis.
Ang hiling ko para sa kaarawan niyong ito
Pagmamahal at kaligayahan mapuno ang inyong puso.
At laging tandaan ako’y lagi lamang andito
Kasama si jumboy at papa tuwing kailangan niyo.
*jumboy ang nickname ko sa brother ko*
Bagama’t hindi sa lahat ng oras di tayo magkasama
Di ito hadlang upang di ko makita at madama
Ang lahat ng iyong nagawa at ginagawa sa ating pamilya
Kaya naman, ipinagmamalaki ko po kayo bilang aking ina.
Maligayang bati po ulit sa inyong kaarawan!
Panatilihing maging mabuting ilaw ng tahanan.
Nawa’y maulit pa ang ating bonding
Nag-eenjoy po talaga ako, lalo na sa picture taking.
*lately nagbonding kami, nagpunta kami sa aklan, kaming 2 lang :P*
Wag din po kayo mawalan ng pag-asa
Ang pagpapatanggal ng taba ay kayang kaya
Ang inyong pag-eexercise ay ipagpatuloy pa.
Nang maging kasingkatawan si Toni Gonzaga.
Ipagpatuloy ang pagpapahaba ng buhok
Iwasang problemahin ang  bahay na binubukbok
Wag kalimutang ngumiti
Sayang naman ang pustisong bagong bili.
Sa aking ina kung kanino ako nagmana,
Na talaga naming kasingganda ni dina
Muli, maligayang kaarawan po!

Mahal na mahal ko po kayo.
Big Smile
*Happy mother's day to all moms! Big Smile*

*bulong kay Lord: Lord, happy mother's day po sa  2 kong lola na kasama niyo na Angel*

*birthday na ng kapatid ko bukas at eleksyon na.Big Smile*

*vote wisely! Wink*

Comments

Popular posts from this blog

The Preparation.

How do you put 100 days of preparation, 4 days of examination and 3 days of waiting in one blog entry? You can’t. Haha. So I’m making this a 3 part entry. That very long hiatus from writing and this heart full of emotions had led me craving to write my heart out. So indulge me. I don’t think I would be able to encapsulate all the emotions in that one of a kind journey which led me to where I am today. But I would still try because having that experience is something that I would love to look back to (definitely not do again) but something that I would like to read about when I feel like strolling down my memory lane. It started the day after the review center (Topnotch medical board prep) orientation where we were welcomed with a wake-up call, the board examination is about three months away - 106 days to be exact. Will it be enough? Probably. And then came the diagnostic exams where in there was really the doubt of whether it will be enough.  Parang hindi . But it was...

May cool-off rin pala sa mag-asawa

May cool-off rin pala sa mag-asawa. Akala ko ang cool off ay para lang sa mga malalabong relasyon ng mag boyfriend o mag- girlfriend (para gender sensitive tayo), magkarelasyon na nasa it's complicated status o ang mapagkunwaring, 'mag bestfriend lang kami' pero ang totoo ay nagaaway lagi na parang sila kaya kelangan nila mag -cool off mula sa pagiging mag best friend . Karaniwan natin maririnig sa marami sa mga magulang natin o sa mga tito at tita, ninong at ninang na ang pagpapakasal ay hindi parang kanin (o sabaw ba?) na isusubo bigla at kapag napaso ay iluluwa. Kelangan siyang pag-isipan ng mabuti at gawin lamang kung nasa tamang edad, pag-iisip, tamang panahon at tamang katayuan sa buhay i.e kelangan ay handa ka sa pisikal, emosyonal, mental at pinasyal na aspeto ng pagpapakasal. Madalas kong natatanong sa sarili ko kung ang mga lolo't lola ba natin ay hind nagkulang sa pag-papaalala nito sa mga magulang natin. Minsan naman naiisip ko kung tunay na naiin...

Life Lesson #50: of secrets and lies

I woke up hearing a story, of how everything would end. Of trust issues, and lies and secrets getting piled up to destroy something special, something sacred, something we thought was worth fighting for. Why hurt each other when you vowed to love each other eternally? It says that with love comes pain but when do you say that you've suffered enough? When do you draw the line of loving and letting go? Love. Prayer. Hope. That's all left to do when everything starts falling apart. Continue loving cause in love we may find forgiveness, pray cause in Him we'll never be wrong and hope that there will always be a better future ahead.