Skip to main content

tutor bits (2)

kanina was josh's last day sa tutor. :)))
sobrang nakakatawa kasi wala na talaga siyang class. hehe. 
sabi nga ni ate resy..

"aba ngayon lang ako nakakita ng studyante na kahit wala ng klase e, bumabalik pa dito para magpatutor. natuwa ka talaga kay teacher anne no?"

at dahil nga wala na siyang klase, hulaan niyo kung anong ginawa namin: tadaaa! naglaro. hahaha. 

may dala siyang board game, at naglaro kami. haha. tapos nung nabore sa board game, nag-hangman kami. hahaha. here are some of our conversations kanina:)))

o0o

anne: o asan ung pizza ko? bat wala akong pizza?
josh: asan ung kitkat ko? 
anne: *gives kitkat*
josh: *smiles* e kasi teacher dapat bibili ako ng pizza sa school e P80 ung pizza tas P100 ung pera ko. 
anne: T_T *tawa*

o0o

josh: teacher, babalik ka pa next sem?
anne: baka hindi na e. kasi mag-aaral na ulit ako. 
josh: hindi na rin ako babalik dito sa center. 
anne: ngek. bakit naman?
josh: e wala na kayo ni teacher shyne e. 
anne: awwww. 

o0o

josh: teacher, marerember mo pa ba ako?
anne: oo naman. pagkagraduate ko, hahuntingin kita, tas iinjectionan kita. hahaha. 
josh: hindi mo na ako mareremember. 
anne: mareremember kita! haha. 

o0o

josh: teacher, gusto mo ng ganitong keychain? *points to keychain na "best" ung nakalagay na word.*
anne: best?
josh: yes teacher, meron ako, friend naman ung nakalagay. 
anne: bakit? best friend mo ba ako?
josh: hindi, best teacher. 
anne: awwwwwww. =))

o0o

usapang ondoy.

anne: josh, marikina kayo diba? hindi kayo binaha nung ondoy?
josh: hindi. mataas house namin e. bakit teacher, kayo?
anne: ung house namin hindi. pero asa cousin ko ako nun e. binaha sila. 
josh: o? tapos?
anne: tapos nagswimming ako sa baha. 
josh: talaga? dapat kasi sa house ka na lang namin e. 
anne: T_T (ano ako, playmate? haha.)

o0o

josh: teacher, alam mo lahat kayo sa team niyo naging teacher ko.
anne: team?
josh: oo. si teacher kate, teacher shyne at ikaw. 
ate resy: magkakakaibigan kayo? close kayong tatlo?
anne: oo ate. 
ate resy: kayong tatlo lang?
anne: hindi, mga 6 ata kami o 7 :) 
josh: gangster sila, gangster. 
anne: HAHAHAHAHA.

o0o

josh: teacher, picturan mo ung center para may remembrance ka. *gets camera at kinuhanan niya ang center*
josh: teacher, irecord mo ung smell ng center para di mo maforget. 
anne: T_T (pano ako magrerecord ng smell? hahaha.)

o0o

josh: teacher hanggang 2 lang ako today. 
anne: okay. :) 

*pagdating ng 2pm, andami niya pang kwnto at knocknock, so 2:30 din kami natapos. haha.*

o0o

palabas niya:

josh: teacher hindi na talaga ako babalik next year. 
anne: bakit? kasi smart ka na? di mo na kailangan ng tutor?
josh: *nods smiling* tyaka wala na kayong dalawa ni teacher shyne na expert e.
anne: malay mo naman, may tutor ka ulit na makita na expert din at mabait. 
josh: tapos iiwan din ako?
anne: ... </3 **heartbreak**
josh: dapat kasi wala na lang probinsya e. no?
anne: haha oo nga. 
josh: teacher san province mo? cebu?
anne: mindoro. :) 
josh: teacher pupuntahan kita dun. 
anne: haha. sige sabihan mo lang ako. hehe. 
josh: dapat din kasi sa house na lang ako nagpapatutor. 
anne: e lalong maglalaro ka lang sa bahay. haha. 
josh: oo, babarilan kami ng teacher ko.
anne: pakabait ka, galingan mo next year:) 
josh: bye teacher!:)))

awwwwwww. mamimiss ko si josh ng talagang talaga :))

Comments

  1. aaaaaaaaaaw. i don't wanna cry pero teary eyed ako sa blogpooooooost!!!!! HAHAHAHA.

    ReplyDelete
  2. kaka-sad no? hehe. pero may mga funny things pa din. haha. tulad na lang ng pagrecord ng smell at ang gangster tayo. haha.

    ReplyDelete
  3. yun nga yung nakakaiyaaaaaak! yung funny little things!!!! hahaha. gumigilid na naman luha kooooo!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Preparation.

How do you put 100 days of preparation, 4 days of examination and 3 days of waiting in one blog entry? You can’t. Haha. So I’m making this a 3 part entry. That very long hiatus from writing and this heart full of emotions had led me craving to write my heart out. So indulge me. I don’t think I would be able to encapsulate all the emotions in that one of a kind journey which led me to where I am today. But I would still try because having that experience is something that I would love to look back to (definitely not do again) but something that I would like to read about when I feel like strolling down my memory lane. It started the day after the review center (Topnotch medical board prep) orientation where we were welcomed with a wake-up call, the board examination is about three months away - 106 days to be exact. Will it be enough? Probably. And then came the diagnostic exams where in there was really the doubt of whether it will be enough.  Parang hindi . But it was...

May cool-off rin pala sa mag-asawa

May cool-off rin pala sa mag-asawa. Akala ko ang cool off ay para lang sa mga malalabong relasyon ng mag boyfriend o mag- girlfriend (para gender sensitive tayo), magkarelasyon na nasa it's complicated status o ang mapagkunwaring, 'mag bestfriend lang kami' pero ang totoo ay nagaaway lagi na parang sila kaya kelangan nila mag -cool off mula sa pagiging mag best friend . Karaniwan natin maririnig sa marami sa mga magulang natin o sa mga tito at tita, ninong at ninang na ang pagpapakasal ay hindi parang kanin (o sabaw ba?) na isusubo bigla at kapag napaso ay iluluwa. Kelangan siyang pag-isipan ng mabuti at gawin lamang kung nasa tamang edad, pag-iisip, tamang panahon at tamang katayuan sa buhay i.e kelangan ay handa ka sa pisikal, emosyonal, mental at pinasyal na aspeto ng pagpapakasal. Madalas kong natatanong sa sarili ko kung ang mga lolo't lola ba natin ay hind nagkulang sa pag-papaalala nito sa mga magulang natin. Minsan naman naiisip ko kung tunay na naiin...

Life Lesson #50: of secrets and lies

I woke up hearing a story, of how everything would end. Of trust issues, and lies and secrets getting piled up to destroy something special, something sacred, something we thought was worth fighting for. Why hurt each other when you vowed to love each other eternally? It says that with love comes pain but when do you say that you've suffered enough? When do you draw the line of loving and letting go? Love. Prayer. Hope. That's all left to do when everything starts falling apart. Continue loving cause in love we may find forgiveness, pray cause in Him we'll never be wrong and hope that there will always be a better future ahead.