tutor is fuun. parang thesis lang - in the sense na madaming notable conversations. hahaha. at gusto ko siyang i-blog para kapag malayong panahon na e maalala ko na once in my life ay nagtutor ako, at nagenjoy ako. haha.
josh is my grade 3 student. haha. nakakatuyo siya ng dugo. swear. pero the conversations below really make me smile kapag naalala ko. haha. minsan kasi asal grade 3 din ako, kaya swak kami. hahaha.
o0o
josh: teacher, marunong kang gumawa ng paper airplane?
anne: hindi e.
josh: ANOOOOOO?!?!?!
anne: *laughs*
josh: teacher, i'll make one. *makes paper airplane*
(habang gumagawa siya ng paper airplane, e may suhulan na nagaganap. tipong..
anne: josh, answer this.
josh: teacher find the end of the scotch tape first.
anne: answer this first.
josh: find the end of the scotch tape first!!!
anne: no.
and many more. haha.)
o0o
josh: airplane to ni gibo.
anne: *laughs*
josh: teacher sinong gusto mong ivote?
anne: bakit ikaw, kapag pwede ka ng magvote, sinong gusto mong ivote?
josh: si gibo.
anne: bakit si gibo?
josh: e kasi di siya corrupt.
anne: e pano mo naman nalaman na hindi siya corrupt?
josh: e kasi nga di siya corrupt!
anne: pano mo nga nalaman?
josh: basta di siya corrupt!!
anne: *laughs*
*nagpapalipad siya ng paper airplane*
anne: ano ba yan, kanina pa crash ng crash ung airplane mo.
josh: teacher, kay gibo to, ayan o anjan siya. *draws stick figure infront of airplane*
anne: o ayan, nagcrash na naman, patay na si gibo.
josh: teacher, hindi pwede, may emergency exit.
anne: weh? wala kaya. saan?
josh: *draws emergency exit*
anne: e tatalon lang si gibo, mamatay pa rin siya.
josh: *draws parachute*
anne: *laughs*
(ang airplane incident ay dahil sa lesson nilang diagrams. "where can you find the wings of an airplane? = sides. ganun. :)))
o0o
josh: teacher marunong kang mag-origami?
anne: yes.
josh: REALLY?? ano?
anne: paper crane.
josh: marunong ka magpaper crane?
anne: oo nga.
josh: *gives me a piece of paper* ako din marunong.
anne: weh? di nga?
josh: oo nga.
anne: o sige nga, pagandahan nga tayo.
(shempre di siya marunong gumawa ng paper crane. hindi ko maintindihan ung ginawa niya, sabi niya eagle daw. hahahaha. or baby crane, pero pinilit lang niya un. pero natuwa ako sa ending ng conversation na un:
josh: teacher, ill keep this, tas you keep that. kapag next meeting e hindi mo yan dala, magagalit ako.
anne: *laughs*
unfortunately, di kami nagmeet nung "next meeting" at nalimutan na ata niya, pero shempre nakatago ung paper eagle niya.)
o0o
at oo, sa 1hr and 30 mins na session namin, mga 30 mins lang siguro kami totoong nagaaral, at ung 1hr e puro kalokohan. haha. katulad na lang ng sandamukal niyang erap jokes at knock knock. hahaha. at dahil mabuti nga akong teacher, sinasabihan ko talaga siya ng korni minsan. madalas. hahaha.
merong isang instance na naiinis ako sa kanya ng sobra - ayaw niyang makinig, kaloka. haha. hindi siya sumasagot, at minamali na niya purposely ang mga sagot niya. which he often does. haha.
anne: josh. last na, answer this. josh.
josh: teacher, nagsusungit ka na?
anne: *not answering*
josh: teacher, magttransform ka na?
anne: *laughs*
o0o
there was one time na his 4th yr hs brother e nagpatutor din, tas sabay silang dalawa na tinutor ko - perfection lang. si josh ung inuna ko. tas habang chinicheck ko ung paper ng kuya niya, i asked him to draw polygons with 5,6,7,8,9 and 10 sides tas name them accordingly. he is having a hard time to remember octagon to decagon, sinulat niya sa nine sides ay decagon at ang pinaka-nakakaloka, sinulat niyang name sa 10 sides e, OMEGADON. -_-
anne: josh! anong omegadon?
josh: sabi ni kuya eee!
anne: walang omegadon.
josh: sabi nga ni kuya.
anne: niloloko ka ni kuya mo. ano ang tawag kapag 10 years?
josh: century.
anne: ngek. hindi.
josh: decade?
anne: aun. o ano ngayon ang tawag kapag 10 sides.
josh: decade?
anne: hindi 10 years nga yun e.
at ng maalala na niya ang decagon.
anne: o may questions ka?
josh: teacher, ilang sides ang omegadon?
anne: T_T
o0o
and just todaaay. josh gave me pochi kendi. haha. uber sweet. pero geesh, he is mega super kulet. T_T kulang na lang e itali ko siya sa upuan niya para di siya makaalis. tas wala pa siyang homeworks at ayaw niyang nagaadvance so poblema talaga na ubusin ang one hour and thirty minutes. haha. sa kanyang kakulitan, e napasabi ako ng ganito:
anne: ate resy, ayoko naaaa. hanap ka na ng papalit sa kin ng tuesday at thursday.
josh: *sits down* teacher nooo.
anne: e u dont listen to me e.
josh: teacher, ikaw magteach sa kin sa tuesday.
anne: uuwi na lang ako sa probinsya namin.
josh: teacher, noo. ikaw na nga lang mabait kong teacher e.
anne: and what made you say that?
josh: you don't get angry.
anne: ah so gusto mo magalit ako? para sumunod ka sa kin?
josh: you cant do that.
anne: why?
josh: you dont have the heart to get mad at kids.
anne: and again, what made you say that?
josh: cause you have patience.
[naloka ako. siya lang. siya lang sa tanan ng existence ko sa earth ang nakapagsabi na patient akong nilalang. hahaha.]
josh: tyaka ung iba kong teacher, tinatago ung jug ko. ung iba, shout sila ng shout ng "HOY", ikaw hinihila mo lang ung damit ko.
(drastic measures ang kelangan kapag si josh ang studyante, at obviously nila-lang lang niya ang paghila sa damit. hahaha.)
*nakalabas na siya ng room tas bumalik siya*
josh: teacher, kapag hindi ikaw ang teacher ko sa tuesday, magdadabog ako. ikaw teacher, ko sa tuesday a. pinky promise."
ang cute niya lang kapag gumaganyan siya, sana forever na lang siyang ganyan. hahaha.
o0o
awww. :) i shall miss these :D
it's good to hear na happy ka sa pag ttutor! :) see! :) i told you maeenjoy mo yan! :) >:D< i miss you anne!! :)
ReplyDeleteariiii!!:D i miss u tooo!:D u're such a busy working girl naaa :) enjoy k din sa work!:D
ReplyDeletehaha. ang cute naman niyan! DX
ReplyDeletePANALO ANG OMEGADON HAHAHAHAHAHA
ang cute naman. benta yung omegadon conversation. hahaha!
ReplyDeleteanne, onga eh!! grabe!! next week, baka mapadpad ako ng UP. Hopefully doon ako patungo sa clients ko sa may North area. Napapadpad ka ba ng UP? :)
ReplyDeletehahaha. pinagpipilitan talaga niya ung omegadon. kaloka. haha.
ReplyDeletetrue true. haha. :))
ReplyDeletenaaax:P clients:))) hahaha. tuesday baka dadaan ako ng up, kasi oorder ako ng shirt ;)
ReplyDeletesige nga, ma-schedule nga na tuesday ako mapunta. pero depende pa. Grabe naman kasi tong trabaho na to! any minute pwedeng maiba ang pupuntahan mo! :p
ReplyDeletepero nafefeel ko namang nageenjoy ka!:)) so enjoy enjoy!:D
ReplyDelete