May cool-off rin pala sa mag-asawa. Akala ko ang cool off ay para lang sa mga malalabong relasyon ng magboyfriend o mag-girlfriend (para gender sensitive tayo), magkarelasyon na nasa it's complicated status o ang mapagkunwaring, 'magbestfriend lang kami' pero ang totoo ay nagaaway lagi na parang sila kaya kelangan nila mag-cool off mula sa pagiging magbest friend.
Karaniwan natin maririnig sa marami sa mga magulang natin o sa mga tito at tita, ninong at ninang na ang pagpapakasal ay hindi parang kanin (o sabaw ba?) na isusubo bigla at kapag napaso ay iluluwa. Kelangan siyang pag-isipan ng mabuti at gawin lamang kung nasa tamang edad, pag-iisip, tamang panahon at tamang katayuan sa buhay i.e kelangan ay handa ka sa pisikal, emosyonal, mental at pinasyal na aspeto ng pagpapakasal.
Madalas kong natatanong sa sarili ko kung ang mga lolo't lola ba natin ay hind nagkulang sa pag-papaalala nito sa mga magulang natin. Minsan naman naiisip ko kung tunay na naiintindihan ng mga magulang, tito at tita, ninong at ninang ang mga pangakong binitawan nila sa harap ng Diyos at ng bayan na patuloy na magmamahalan kahit na anong mangyari. Sabi nga, 'for richer and for poorer, to sickness and in health, till death do us part'. At kung natututo ba ang nakababatang henerasyon sa mga pagkakamaling nakita natin sa mga nakakatanda sa atin pagdating sa aspeto ng pagpapakasal. Tipong past, present and future tense ng cycle ng marriage. Pero sa sa dami ng mga kakilala kong lumaki sa hindi buong pamilya at sa dumadaming bilang ng mga mag-asawang naghihiwalay mapashowbiz o sa totoong buhay, mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko, pero ayoko naman maghusga kaya isipin niyo na lang ang sarili niyong sagot sa mga tanong ko.
Masasabi kong kasama ako sa iilan na maswerteng batang pinanganak sa isang masayang pamilya kung saan mayroong mga magulang na nagmamahalan na nagbigay ng ilusyon na walang problema hanggang sa natuto akong mag-isip at magtanong at malaman ko na hindi pala tunay si Santa Claus o ang tooth fairy. Pero hindi pala talaga uso sa amin ang tooth fairy. Anyway, napagalaman ko na hindi lahat ng mag-asawa ay masaya, na hindi laging totoo ang happy ending kahit na nakita mo na ang prince charming mo at pinangakuan ka na niya ng happily ever after. Na sa katunayan, sa kasal pala nagsisimula ang real deal.
Pero nakita ko kung paano ipinaglaban ng mga magulang ko ang kanilang pagsasama at kung paano nila sinubukan na panatilihing buo ang aming pamilya. Pero katulad ng lahat ng laban, dumadating ang panahon na kelangan ng mag-time out. At dun pumasok ang title ng blog entry na to - "May cool off rin pala sa mag-asawa"
Akala ko kasi kapag mag-asawa na kayo, hindi na kayo pwede magbreak; much more mag cool-off. Akala ko kasi kapag mag-asawa na kayo, tapos na kayo sa estado ng on and off relationships. Na napagdaanan niyo na lahat ng posibleng mapagdaanan nung magboyfriend at maggirlfriend kayo, at alam niyo na kung paano iwork out ang pagkakaiba ninyong dalawa. Assuming na dumaan kayo sa estado ng pagiging magkarelasyon bago ang kasal at ginawa niyo ang matinding pagiisip kung tama ba ang desisyon niyo na magpa-'tali' sa iisang tao habang buhay. Maaaring may mga bago kayong malalaman tungkol sa bawat isa dahil magkasama na kayo araw araw sa iisang bubong, pero dahil nga alam niyo na kung pano niyo dapat ayusin ang mga problema niyong dalawa ay makakayanan niyo na dapat. Kasama na rin dito ang assumption na naiintindihan niyong mabuti ang binitiwan niyong pangako sa harap ng Diyos at ng bayan na hindi niyo iiwan ang bawat isa. Sadly, totoo nga na kapag masyado kang sheltered, magugulat ka kasi marami rami ka ring nakolekta na maling akala tungkol sa buhay.
Sa totoo lang, nakakalungkot talaga isipin na ang institusyon ng kasal na naturingang isang sagradong selebrasyon ay pwedeng (patawarin ako sa gagamitin kong salita), mabastos at karaniwang nababastos ng mga taong hindi naman talaga alam ang ibig sabihin nito o hindi kayang ipaglaban ang kahalagahan nito. At hindi ko sinasabi na kasalanan ng babae dahil masyado siyang masalita, o mapagisip o selosa o kasalanan ng lalake dahil babaero siya at hindi marunong mag-appreciate sa mga ginagawa ng kapareha niya. Dalawang tao ang kailangan para ikasal, kaya dalawang tao ang kailangan para i-work out ito. At hindi pwedeng sabihin kahit kailan na, 'nagawa ko na ang parte ko, siya naman'. Dahil di ito unahan o patigasan, dapat ito ay tulungan. At dahil kung tunay kang nagmamahal, alam mo na hindi yan puro saya at dapat naging handa ka para sa sakit at dapat alam mo na kahit kelan ay hindi kayo dapat sumuko. Kung alam mo ang halaga ng binitawan niyong pangako, pangangalagaan niyo to, hindi lang para sa inyo kundi para sa pamilya niyo, lalo na para sa mga anak niyo.
Well, marami pa rin naman akong hindi alam. E hindi pa naman ako kasal. Sinabi ko lang ang mga naisip ko nung nag-over think ako sa topic na to. Besides, marami pa rin naman akong kilalang, nagkaroon ng mabuting pagsasama. At hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag-asa sa mga mag-asawang nagkahiwalay na tinitiis lang ang bawat isa. At nirerespeto ko naman ang mga desisyon ng mga mag-asawang nagdesisyon na maghiwalay dahil sa tingin nila ito ang makakabuti sa kanila. At naniniwala rin ako na ang mga mag-asawang naghiwalay na ay mayroon ding mga kaibigan na nagsabi na ng 'i told you so' sa kanila. O di kaya'y mga anak na napagod na at sinabi na lang na 'kasalanan mo yan, nag-asawa ka ng playboy.' o di kaya'y 'kasalanan mo yan, nag-asawa ka ng masyadong matalino.'
Pero higit sa lahat, hindi pa rin ako nawawalan ng tiwala sa institusyon ng kasal. Sabi ko nga depende naman kasi yun sa tao, kung pareho silang handa at kung pareho nilang alam ang pinapasok nila. At dahil katulad ng lahat ng dalaga ay hinihintay ko pa rin dumating ang tamang panahon para bitawan ko ang mga pangakong mananatili ako sa tabi ng tamang tao kahit anong mangyari habang buhay. Oo, walang kasiguraduhan lahat ng ito at maaaring maging isang maling akala uli sa parte ko, pero alam ko na gagawin ko ang lahat para mapanatiling matatag ang magiging samahan namin ng mapapangasawa ko dahil ayoko magkaroon ng anak na gagawa ng blog entry tungkol sa malungkot na katotohanan na ang happy ending ay mahirap hagilapin kahit na nakita mo na ang prince charming mo.
disclaimer: let's pretend that this is purely theoretical or solely based on my observations on failed or let's be positive about it, striving marriages. I just have to get it out of my system so i can stop obsessing about it. :p

Comments
Post a Comment