minsan naisip ko..
ano kayang buhay ang nagiintay sa kin pagwala na ako sa puder ng mga magulang ko?
natatakot ako. parang di ko kasi kakayanin. haha.
though
minsan naiisip ko na kaya ko yun dahil lumaki naman ako bilang isang
independent na bata sapagkat namalagi ako sa manila ng miminsan lang
nakakapiling ang aking mga magulang. pero binabatukan ko pa din ung
sarili ko kapag naiisip ko to at nasasabi na "tange! di ka independent
kasi ung allowance mo galing sa mga magulang mo".
at naisip ko
pa ulit, "hala. sabi ni mama, pagkagraduate ko daw at pagkatrabaho ko,
hindi na nila ako bibigyan ng allowance!" patay. hehe. kaya naisip ko
na magdoctor.

haha. pero joke lang un na gusto ko magdoctor dahil sa allowance. haha. pabigat.

pangarap
ko naman talaga noon pa man na manggamot. noon pa nga, sabi ko libre
ang panggagamot ko, ngayon pinagiisipan ko pa kung ililibre ko.

pangarap
ko gawin ung mga ginagawa ni papa. kasi parang ang talitalino mo kapag
doctor ka. ang cool. hehe. ang cool magpaanak, ang cool ng caesarian.
ang cool talaga pag may nagpapacheck up at nalalaman mo kung anong sakt
nung pasyente. hehe.

tapos
nung nagchem ako. naisip ko na baka para talaga ako sa medicine. kasi
maganda naman daw na premed ang chem. pero sa hirap na pinagdadaanan ko
sa kapnayan, napapaisip ako kung gusto ko pa mag-aral. hehe.

madami
rin naman kasing magandang opportunities sa chemistry. pero ayaw ko
magturo. hehe. though mukhang exciting maglab instructor habang
nagmamasters. hehe.

balak ko din na magboards muna sa chemistry tapos tyaka magtake ng nmat. para kapag tinamad ako mag-aral licensced chemist ako.

tapos
mas mataas kong pangarap, dahil indemand naman daw ang chemistry sa
ibang bansa, magsstates ako. tapos dun ako mag-aaral ng medicine sa
sarili kong kayod. haha. go love story in harvard!

pero bago naman ako makapagstates, kelan nakamaster's degree din ako,
atleast para naman competitive ako sa ibang applicants diba?

minsan
naman.. kapag nakakaring ako ng mga kwento ng mga kaibigan at pinsan
kong nagnunursing.. naiinggit talaga ako. naiisip ko na sana talaga
nagnursing na lang ako. siguro masaya pa sila mama, kasi gusto naman
talaga nila na magnursing ako dahil gusto nila na mag-abroad ako.
to
think na may background na ako sa mga ginagawa ng mga nurse dahil sa
ospital namin noon. e di pa nga ako nakakatungtong ng college,
nakapanood na ako ng sinsi-cs. ahehe.


pero
pag naiisip ko un, nasasabi ko lang na noon, pinagdasal ko na un.. sabi
ko kay Lord kung para talaga ako sa nursing, para ako dun. e kahit sa
ust ndi ako nakapasa ng nursing. so siguro, ndi talaga ako para sa
nursing, para ako sa nurse. *ay! haha.

atyaka
gusto ko nga kasi talaga magmedicine. at dinidiscourage ako nila mama
na magmed kapag nagnursing na daw ako. sabi kasi nila may mga doctor
nga na nagnunursing e. tapos kapag nursing na ako, magmemed pa ako. at
siguro nga kapag nagnursing ako at nakagraduate e masilaw na ako sa
fortune na maaaring ibigay skin ng nursing ndi na ako makapagmed e
pangarap ko nga kasi un. haha.

tapos
naiisip ko din.. kung gusto ko ba sa america ako titira. parang ayaw ko
mapalayo sa mga magulang ko ng matagal na panahon. hindi ko kaya yun.
siguro kapag mayaman na ako magtotour na lang kami


pero
parang di ko rin kayang tumira dito sa probinsya namin kung saan kilala
ka ng lahat ng tao at nababantayan lahat ng galaw mo. baka pati
magpulitika lang ako kapag andito ako

hehe. though madami nga ang nagsasabi na sayang naman ung pinundar ni
papa dito. ung clinic at ang pagging director niya sa district
hospital. pero ayaw ko talaga. hehe.
iniisip ko din kung makakapagasawa ba ako at magkakaanak. para kasing anliit liit ko e.

oo,
open pa rin ako sa idea na baka nga may call ako to serve the Lord.
kahit madaming nagsasabi na di ko daw kakayanin sa loob ng kumbento.
feeling ko magiging masaya ako dun. hehe.
andami kong iniisip no? hehe.
natatakot lang sigro talaga ako sa future. hehe.
wala naman kasi talagang nakakaalam sa tin ng mangyayari.
pero sana khit ano man ang mangyari, dapat masaya lahat

*ansarap
ng feeling ko. haha. kakaiba ang panonood ng may bagong silang sa
mundong ibabaw, pano pa siguro kung ikaw ung gagawa, pero ayaw ko
mag-ob. haha. pero pwede rin pala. =P*
di ako magtataka kung magpulitika ka...hehe..pati sa palengke kilala kayo! nakanang! =P
ReplyDeleteako rin...hay naku. hindi ko naiimagine na tumira sa america, pero for different reasons naman..kahit may tita akong doktor doon na prng iniimply nia sa mga sinasabi niya na ggs2hin ko din dun..naiicp ko 2ly na magiging katulad niya kaya ako? na hindi ko naman gs2...
ReplyDeletehmm..naniniwala akong kung ano tlg ang para sayo, yung ang mangyayari..kaya wag na mainggit sa mga nag-nu-nursing...everything will fall into place at the right time. :) nakakainggit ka nga kc may klarong gs2 ka ng mangyari sa buhay mo, in a sense. eh ako...hahay...going somewhere ang drama ko. haha!
ReplyDeletemiss na kita angge! =D
Pag nag pulitika ka, heheheheh Pwede! :)
ReplyDeletehahaha. aus a. magpulitika na nga lang kaya ako. nyahaha. :P
ReplyDeletepara ka nga siguro sa nurse! ^_~
ReplyDelete